Amasona
ng Anak Bayan
Gang war -nagrambol
ang grupo ng Sigue-sigue Sputnik vs. Bahala na Gang. Naghabulan, nagliparan ang mga
pana at bato. Dumanak ang dugo kung saan
madalas may nakahandusay sa daan. Yan ang madalas na eksena sa Anak Bayan sa Malate noong 80's. Walang taxi na gustong maghatid sa
loob. Madalas ang holdapan at nakawan. Lawless land ang bansag dahil sa
pinamumugaran ito ng mga kriminal, mga siga-siga, mga halang ang bituka. Mga matira
matibay. Masukal ang lugar at "Survival of the fittest" ang labanan.
Inabutan ni Josefina Mariano Siscar ang ganitong sitwasyon ng siya ay ma-apoynt na Barangay Chairman
pag-upo ni Pres. Cory noong 1986.
Kamay na bakal ang ginamit ko. Noong araw lagi akong
may dalang baril at pinakikita ko talaga na hindi ako nagbibiro dahil
hindi pwede sa mga tao na yan ang lalamya-lamya. Ayon din sa kanya marami sa
mga pusakal doon ang lumaban at napatay ng mga pulis. Ang iba ay nag-alisan na sa
lugar at ang ilan naman ay tumino at ginawa pa niyang mga barangay tanod.
"Talagang pag masamang tao ka, nananapak ako noong araw
at kahit ngayon ," natawa niyang sabi. Kaya ngat nabansagan syang
"fearless fighter" ng mga kapwa Chairman bukod sa kilalang kilala
siya bilang "Lugaw Queen" dahil sa masarap niyang lugaw na hinahain sa
kanyang mga Feeding Program.
Sa loob ng 26 years ng kanyang panunungkulan bilang
Chairman, napakalaki ng pinagbago ng Anak Bayan. Marami sa mga orihinal na taga
roon ang napa-awardan nya ng lupa upang maging pag-aari na nila ang tinitirikan
ng kanilang bahay. Payapa at tahimik na lugar ngayon kung saan napaka disiplinado ng
mga tao. Ang basura nilalabas lang sa gabi pag dyan na ang trak at maayos at
malinis ang kapaligiran. Malayong malayo na sa madilim at masalimuot nitong
nakaraan.
Di ko masasabing Drug Free ang lugar ko dahil mahirap
malaman kung sino ang mga drug user dito
pero sisiguruhin ko sayo na Drug Pusher Free ang barangay na to. Bantay sarado ang lugar ko sa CCTV kaya't pag
may nag-abutan dito, pinaba-Buy Bust ko agad sa mga pulis. Kulong.
Makalipas ang dalawat' kalahating dekada ng paninilbihan
bilang Kapitana, nahalal namang syang
Konsehala noong 2007. Maraming
mga City Ordinance ang naipasa niya sa konseho
at sa labis na pagmamahal sa
kanya ng kanyang distrito, natapos nya ang tatlong termino noong 2016. Sa
ngayon ay Punong Barangay syang muli ng BRGY
740 Zone 80 at Zone Chairman din
ng Zone 80.
Lagi akong abunado ang napa-iling niyang sabi. Larga lang ako ng larga sa mga humihingi ng
tulong sa akin pero alam mo bumabalik lahat yan. Noong nakaraang Pasko
dumarating ang bigas, ibaba dyan sa harap ng Barangay, minsan sampung sako. Nagugulat na lang ako sa mga
kusang loob na bigay na naipamamahagi ko
sa Barangay. Nakakatuwa naman dahil alam mo pag taos puso ang paglilingkod mo
at may malasakit ka sa kapwa mo doon mo makikita ang suporta ng tao na
bumabalik sayo.
Sobrang dami ang mga
parangal o citations na natanggap ni P/B Siscar
, kabilang na ang Datu
Award ang pinaka-mataas na award na
ginagawad sa isang Punong Barangay dahil sa kahusayan ng kanyang serbisyo
at pamamalakad.
Rated KKK na si Josie
Siscar.
K1. Karanasan na di
matatawaran sa haba ng panahon ng kanyang serbisyo sa bayan.
K2. Kakayanan sa
pamumuno. Fearless fighter, lumalaban
at di susuko o padadaig sa mga problema na hinaharap ng komunidad.
K3. Karakter ng taong may malasakit sa kapwa, malinis at walang bahid ang paglilingkod.
Kumambio pa si Josie na dati ay dilaw ang kanyang kulay
dahil mabait naman daw ng dating boss nya pero nagbago na raw ang panahon.
Nag-iba na raw ang simoy ng hangin at kumpyansa sya na sa pag sunod nya sa malakas na agos ay magkakaisa na ang lahat
mai-sulong ang Maynila.


No comments:
Post a Comment