20190127


 Ang One Manila News sa Bagong Panahon ng Pamamahayag

Parang "sudden twist" ika nga  ang bilis ng mga panyayari sa larangan ng pamamahayag o jornalismo.
Ang " mainstream media" na dating ang may kontrol ay ang  mga malalaking diaryo  sa ating bansa
ay unti-unting nag shift  na sa internet . Lumiliit na ang bilang ng  sirkulasyon ng mga national
 newspapers at ang dahilan nito ay ang  pag-usbong ng malawakang paggamit ng teknolohiya tulad ng
 mga smartphones  at internet.
Sa  iba ang nakaugaliang pagbabasa ng pahayagan tuwing umaga ay naging panonood na lamang ng
balita sa tv sa gabi kung saan ang mga balitang iyon din naman ang magiging laman ng pahayagan
 kinabukasan.

 Dumating na ang bagong "era of journalism"  kung saan ang mga nagbabasa ay hindi na "passive
 consumers"  ng mga balita kundi maaari na rin maging "collaborative producers"  ng mga ito sa
 pamamagitan ng makabagong  technology.  Ang pagsibol ng "citizen journalism"
pinakabagong pamamaraan  na nagpa-iba sa istilo ng pamamahayag kung saan hindi  nakadepende ang
mga bumabasa sa  mga sinusulat ng newswriters at reporters ng mga malalaking networks.
Ang mga mamamayan na may mga smartphones or android phones ang siya na mismo ang nag-witness,
nag-record  at nag share o nag-upload sa internet ng mga pangyayari habang ito ay nagaganap.
    Marami sa mga kahindik-hindik na video na kuha ng smartphone ang nag-viral at  kung minsan ang
mga upload na ito ay nagkakaroon ng umaabot sa mahigit isang milyong  views.
Ayon sa datos ng statistika, ang smartphone users sa ating bansa ay may bilang na nasa 30.4 milyong
 katao ng  taong 2017 at aabot ito sa 40.6 milyong katao pagdating ng taong 2022.
Sa ngayon nitong nakaraang 2017 ayon sa mga tala,  ang population ng Pilipinas ay umaabot na sa
halos 106 milyon.  Kung ating pag-uugnayin, napakalaki na rin ng bilang sa ating populasyon ang
 gumagamit na ng smartphone.

Sa mga Balita sa telebisyon, madalas na nating makita ang mga kuhang video ng mga krimen na
 naganap,  mga aksidente at road rage,  mga video ng pananambang at pagnanakaw o mga cctv footage
 na ina-upload  via smartphone sa Facebook at sa You Tube..   Madalas ding nagagamit ang mga ito
 upang matukoy at mahuli ang mga gumagawa ng krimen dahil sa kitang-kita at hindi mapagkakaila ng
 video na nagsisilbing patunay sa kanilang identity o pagkakakilanlan. Marami dito ay sinasabihan na
 "pasisikatin" ang mga salarin dahil na rin sa dami ng  nagiging views  ng mga video ng mga ito.

Sa kabilang dako , dahil din  sa teknolohiya ay namamayagpag naman ang mga "fake" news.
Marami sa mga ito  ay puro slander o paninira at  pagbaligtag sa totoong panyayari sa pamamagitan ng
 maling  opinyon na  karaniwan ay walang malinaw na  basihan.  Nababago din ang anyo ng larawan sa
 pamamagitan ng pag-edit sa Photoshop .  Sa galing ng pagkaka-edit ng gumawa ay kakailanganin pa ang
opinyon ng  mga eksperto sa  Information Technology (IT)  upang suriin kung tunay o peke ang mga
 larawan o video.
Ang mga "fake" news din ang humuhubog sa kaisipan ng tao para magalit, kumuha ng  ng simpatya o
 himukin na makiisa sa maling mga layunin. Kinukuha nila ang saloobin ng tao sa pamamagitan ng
 paglalathala  ng mga maling datos, hindi makatotohanang balita o kuro-kuro. Ang mga mastermind  nito
 ay gumagamit ng mga "troll" o mga bayaring tao na " computer literate"  na nagpapakalat sa social
media ng maling balita o hindi  nararapat na mga salita o panananaw upang sirain ang isang tao o
 organisasyon.

Kinukondina ng One Manila News ang  sa mga mapanlinlang o gumagamit ng pekeng balita sa
 pamamahayag. Kung may mga reklamo o pagbatikos,  laging dalawang panig ang dapat  bigyan ng daan
 maghayag ng saloobin upang maging  balanse ang pamamahayag.   Ang  pahayagan ay tagapag-hatid ng
 balita at impormasyon at  namamagitan lamang sa batuhan ng mga salita at issue ng bawat  panig.
Hindi maikakaila na ang pagsibol ng citizen journalism ay malaking kapakinabangan sa mabilis na
pagkalat ng mga balita at kaalaman. Tanging ang  pagiging responsableng mamamahayag
ang makapagmumulat sa karamihan  upang hindi abusuhin ang teknolohiya. Hindi dapat  gamitin ang
 social media at pahayagan para lokohin ang sangbayanan.
Lahat ng mga inilalathala  ay dapat busisiin at panagutin ang sino mang gagamit ng teknolohiya upang
linlangin ang taong bayan . Ang gagamit ng teknolohiya sa panlilinlang ng kapwa ay  ipinagbabawal  at  
mapananagot sa  batas sa pamamagitan ng  Republic Act No. 10175 o ang "Anti Cybercrime Law".

Ang  tanging  layunin ng magasin na ito ay paglapitin ang lokal na pamahalaan at ang
mamamayan upang magkaisa sa pagsulong ng kaunlaran. Makakaasa ang lahat na ang bawat issue ng
One Manila News ay parehas,  katotohanan  at balanse sa tunay mga pangyayari at  kalagayan ng ating
 kapaligiran sa  Lungsod ng Maynila.


 Amasona  ng Anak Bayan

Gang war  -nagrambol ang grupo ng Sigue-sigue Sputnik  vs.  Bahala na Gang. Naghabulan, nagliparan ang mga pana at bato. Dumanak ang dugo  kung saan madalas may  nakahandusay  sa daan. Yan ang madalas na eksena sa  Anak Bayan sa Malate  noong 80's. Walang taxi na gustong maghatid sa loob. Madalas ang holdapan at nakawan. Lawless land ang bansag dahil sa pinamumugaran ito ng mga kriminal, mga siga-siga, mga halang ang bituka. Mga matira matibay. Masukal ang lugar at "Survival of the fittest"  ang labanan.
Inabutan ni Josefina Mariano Siscar ang ganitong sitwasyon  ng siya ay ma-apoynt na Barangay Chairman pag-upo ni  Pres. Cory noong 1986.
Kamay na bakal ang ginamit ko. Noong araw  lagi akong  may dalang baril at pinakikita ko talaga na hindi ako nagbibiro dahil hindi pwede sa mga tao na yan ang lalamya-lamya. Ayon din sa kanya marami sa mga pusakal doon ang lumaban at napatay ng mga pulis. Ang iba ay nag-alisan na sa lugar at ang ilan naman ay tumino at ginawa pa niyang mga barangay tanod.
"Talagang pag masamang tao ka, nananapak ako noong araw at kahit ngayon ," natawa niyang  sabi. Kaya ngat nabansagan syang "fearless fighter" ng mga kapwa Chairman bukod sa kilalang kilala siya bilang  "Lugaw Queen"  dahil sa masarap niyang lugaw na hinahain sa kanyang mga Feeding Program.    
Sa loob ng 26 years ng kanyang panunungkulan bilang Chairman, napakalaki ng pinagbago ng Anak Bayan. Marami sa mga orihinal na taga roon ang napa-awardan nya ng lupa upang maging pag-aari na nila ang tinitirikan ng kanilang bahay.  Payapa at tahimik na  lugar ngayon kung saan napaka disiplinado ng mga tao. Ang basura nilalabas lang sa gabi pag dyan na ang trak at maayos at malinis ang kapaligiran. Malayong malayo na sa madilim at masalimuot nitong nakaraan.
Di ko masasabing Drug Free ang lugar ko dahil mahirap malaman kung sino ang mga drug user  dito pero sisiguruhin ko sayo na Drug Pusher Free ang barangay na to.  Bantay sarado ang lugar ko sa CCTV kaya't pag may nag-abutan dito, pinaba-Buy Bust ko agad sa mga pulis. Kulong.
Makalipas ang dalawat' kalahating dekada ng paninilbihan bilang Kapitana, nahalal namang syang  Konsehala noong 2007.  Maraming mga City Ordinance ang naipasa niya sa konseho  at sa  labis na pagmamahal sa kanya ng kanyang distrito, natapos nya ang tatlong termino noong 2016. Sa ngayon ay Punong Barangay  syang muli ng  BRGY  740 Zone 80 at  Zone Chairman din ng Zone 80.
Lagi akong abunado ang napa-iling niyang sabi.  Larga lang ako ng larga sa mga humihingi ng tulong sa akin pero alam mo bumabalik lahat yan. Noong nakaraang Pasko dumarating ang bigas, ibaba dyan sa harap ng Barangay, minsan  sampung sako. Nagugulat na lang ako sa mga kusang loob na bigay  na naipamamahagi ko sa Barangay. Nakakatuwa naman dahil alam mo pag taos puso ang paglilingkod mo at may malasakit ka sa kapwa mo doon mo makikita ang suporta ng tao na bumabalik sayo.
Sobrang dami  ang mga parangal o citations na natanggap ni P/B Siscar  ,   kabilang na ang Datu Award  ang pinaka-mataas na award na ginagawad sa isang Punong Barangay dahil sa kahusayan ng kanyang serbisyo at  pamamalakad.
Rated  KKK na si Josie Siscar.  
K1. Karanasan  na di matatawaran sa haba ng panahon ng kanyang serbisyo sa bayan.
K2. Kakayanan   sa pamumuno. Fearless fighter, lumalaban  at  di susuko o  padadaig sa mga problema na hinaharap ng komunidad.                     
 K3. Karakter ng  taong may malasakit  sa kapwa,  malinis at walang bahid ang paglilingkod.
Kumambio pa si Josie na dati ay dilaw ang kanyang kulay dahil mabait naman daw ng dating boss nya pero nagbago na raw ang panahon. Nag-iba na raw ang simoy ng hangin at kumpyansa sya na sa pag sunod nya  sa malakas na agos ay magkakaisa na ang lahat mai-sulong  ang Maynila.


Babaha ng Pera


Malayo pa ang eleksyon ay sandamakmak na ang post sa Social Media ng mga nagpapasikat. Nag-iikot,pagalingan, iringan at patalbugan sa mga comment, share at like. Padamihan ng views sa YouTube. Ang mga suporters kanya-kanyang selfie kasama ang kani-kanilang manok.
Gaano ba kadugo lumahok sa pulitika? 
Kung nais lamang na  kumandidato at makatulong sa bayan, bakit kinakailangan pang gumastos ng napakalaking halaga? Kung campaign materials lang ang pag-uusapan tulad ng mga polyeto at tarpolin, di naman gaanong kalaking halaga ang gugugulin lalo na kung  lokal na posisyon lamang ang aambisyunin.
Hindi bababa sa tatlong milyong piso ang kinakailangan para sa maayos na kampanya ng isang Konsehal dito sa Maynila. Sa District 2 may gumastos  pa nga ng pitong milyon  at  sa kasamang palad ay natalo pa. At bakit nga ba grabe ang gastusan?
Ang bagito o new comer  sa larangan ng pulitika dapat alam na hindi aandar ang sasakyan ng walang gasolina. Doble ang eport niya kaysa naka-upo. Pag-nagpatawag  siya  ng miting sa barangay iniexpect  nila na mamamantikaan ang mga nguso nila. Hindi natin nilalahat pero sa kalakaran ngayon ang tawag nila "matik yan" o automatic. Wala ng pakiramdaman pa. Di na kailangan tanungin o ipaliwanag - understood  na.  Kung magbigay siya  ng 200 bawat tao na tumulong mag organisa ng patawag  sa barangay eh magtatampo pa. Mas gusto nilang makita yung mukha ng mga Aquino   sa pera at ayaw nila ng manipis na tshirt dahil di daw mapakinabangan . Bukod pa yan sa  pagpapakain ng  meryenda sa mga konstituwents.  Dagsa din ang  hiling na uniporme ng basketball at bola dahil pag summer uso ang pa liga.  Mp o inumin para sa may bertday.  Sa lamayan,  isang libo ang pinaka mahinang pakikiramay   at siguradong makikiramay din naman ang kalaban . Humanda  din  sa  rekwes  ng silya at tolda at sa pambayad  arkila  ng dyip para sa libreng sakay sa libing.
 Hindi biro ang bumuo ng isang team para sa kampanya.  May campaign manager,  team leader  at coordinators,  na bukod sa may sweldo na ay pakakainin  pa. Sa headquarters laging madami ang tao kung saan tatambay din ang mga alipores at mga ume-epal. Dahil magulo,  hindi pwedeng   gawing  Campaign HQ ang bahay   ,  malamang na gagastos din sa bayad sa  lugar na uupahan . Maraming hihingi ng tulong sa ibat ibang klase ng dahilan. Dagsa ang dumarating na may  dalang reseta -konting tulong lang pambili ng gamot.  Ang mga magkakabit ng tarpolin sa poste kada isang daan piraso, isang libo ang gusto bukod sa pakain . Mga sidecar na kakabitan ng poster sa likod may bayad din.  Sasakyan, gasolina, pang-galaw  at pagkain ng tao pa lamang sa araw araw ay sadyang napakalaking pera na.  Sadyang nakalilito rin  ang estado ng kampanya - "malakas tayo" o "patok" lagi maririnig mo  para di ka ma-discourage gumastos.  Laging mataas ang rating at maganda ang resulta ng mga  evaluation ng botante. Dahil sa dami ng kaplastikan, mahirap husgaan ang totoong pulso ng tao sa baguhan. Ang manalo sa  laro ay magmumukang tsambahan lang gaano mang katuwid ang layunin.
May kasabihan, pag wala kang pera wag ka nang sumali sa pulitika. Sa totoo lang, maraming nais na maglingkod sa kapwa ng bokal sa kanilang kalooban ngunit 'kapos kapalaran'. Kulang sa pondo  kaya umaayaw na lamang ang iba dahil sa ganang kanila "pera-pera" nga ang labanan.
Bakit nagkaganito? Ano naman ba ang nasa utak ng botante?
Iba-iba ang nasa isip nila depende sa estado sa buhay. Ayon sa statistika ang  socio-economic class ay hati sa limang  antas :  ABCDE  pero para mas simple, hinati na lamang ito sa  tatlo: 1. mayaman o high income , 2. middle-class o middle income  at  3. mahirap o low income.  Ito ang datos sa pangkaraniwang playing field pero sa kampanyang pang lokal ang statistika ay base din sa lokasyon dahil may mga high-end na lugar.
1. Mayaman  ay wala  pa sa  2% ng populasyon.  Not for sale ang boto ng antas na ito "for obvious reasons". Malamang sa malamang sila pa ang nag-aambag sa kampanya ng kandidato at kung hindi man pipiliin nila ang kandidatong madaling lapitan. Ang konsern  nila ay pangakong di magtataas ng amilyar o buwis  at may malasakit sa namumuhunan o investor.  Papanigan nila ang ikabubuti at ikauunlad ng bayan.
2. Middle class  tinatayang nasa 30%. Karaniwang may sariling bahay at mga edukado , may maliit na negosyo o mga di-opisina. Napakaliit ng tyansa na ipagbili nila ang kanilang boto . Dahil sa hindi naman sila hirap sa buhay, ang kinabukasan ng bansa ay mahalaga sa kanila. Karamihan patriotiko at galit sa nangungurakot .  Maari silang magbase sa popularidad , trak rekord pero hindi sa pera.
3. Mahirap at  maralita na may  majority na 68%. Sinusuyo at  sinusuyod, niroronda at kinakamayan , tinutumpok at papangakuan at pinakikisamahan ng mga new comer.  Ang driving force ng kampanya ay sa kanila naka-sentro . Hindi lahat pero lamang ang  popularidad at pera.   Pagnakuha ng bagitong kandidato ang kanilang sentimyento siguradong panalo.  Sa mga batikang campaign manager sa maruming  pamumulitika, kinakamada na ang voters list at  ba-badyetan  ng tig-lilimang daan. Malaki ang tyansa na mabibili ang boto.
Di na marahil maiisip ang kinabukasan ng bayan kung kumakalam ang tiyan. Sa ilan,  ang kandidatong nagbigay  ay siyang iboboto  dahil ang katwiran ay ito: Ok na bayaran at makinabang ngayon dahil wala naman silang mapapala pagnanalo na ang kandidato. Hu u? na sila at hanggang  muling pagkikita after  3  years.  Sa iba naman ay tanggap lang ng tanggap pag dumarating ang grasya pero nasusunod pa rin ang kosensya sa balota.
Lumalala na ang pananaw ng karaniwang tao sa mga sumusulpot na neophyte o ngayon pa lamang sumasali sa pulitika. Ang paniwala ng karamihan ay sa laki ng gastos sa kampanya , babawiin  naman daw pag nalukluk  na sa pwesto. Matik na rin sa isip ng iba na magpapayaman o mangungurakot  ang mga bagong tumatakbo at ang hinahabol ay pera at kapangyarihan.
Hindi lahat pero kung susumahin, ang mga pangako ng mga bagong mukha ay salita lamang na walang halaga sa botanteng maralita.  Masaya kung ang pera nasa palad kaysa  umasa sa mga pangako na napapako.
Higit na nakalalamang ang mga traditional na pulitiko o trapo.  Yung may trak rekord sa pamumuno. Kilala ang pagkatao sa dami ng natulungan at sa mga proyekto na pinakinabangan ng tao. Hindi nila kailangan daanin sa pera ang kampanya  dahil tinitingala at nirerespeto ang apirans nila sa mga okasyon at miting. Konting pakonswelo, masaya na ang tao.  Pag walang bahid - panalo.
 Kung  ang statistika  ay gagawing gabay sa kampanya ng mga bago lang sa pulitika, ang sabi ng Pag-asa ay  may tyansang  babaha ng pera sa tag-araw.


Chris Gabriel  a.k.a. KagCong2Too
ni  Greg Lopez

Umaga ng Martes, Enero 15, 2018 sa Kalye Vicente Cruz ng una kong makasalamuha si Chris Gabriel.
Hindi mo akalain sa unang tingin na siya na pala iyon.Hindi siya katangkaran, maliit at medyo kayumanggi ngunit malalaman mo na magaling siya sa sandaling marinig mo na siyang magsalita.
May laman, may dating.
Iginawa ako ng appointment sa kanya ng isang malapit kong kaibigan na ang sabi, " tsek mo ang tao na 'to pre, magaling sya at mukhang makakatulong sa bayan."
Nag-alangan ako  dahil ngayon ko lang naulinigan ang pangalan niya. Pero "why not" baka nga may potensyal , naisip ko lang.
Pagpasok ko sa kanyang opisina, andoon sya at ang kanyang staff at agad niya akong binati. May malaking  karatula sa likod niya  na naka agaw ng aking pansin.   #KagCong2too
Sinimulan ko ang aking interview ng isang makabagbag damdaming tanong na para bang ako ay nasya-shock: "Bilang isang Kagawad ng Barangay 424, bakit nyo po naisip na tumakbong Congressman? From Kagawad to Congressman ay parang ang layo po ng talon."
Tumingin sya sa akin at ngumiti. "From ordinary citizen to Congressman doesn't matter also, that's allowed. Its good na ako nga eh kagawad pa. Parang si PRRD, from Mayor to President, basta't alam mo sa isip at puso  mo  na may maitutulong ka sa bayan."
Naisip ko,  oo  nga naman at nagkwento na sya ng mga accomplishments at ang  kanyang humble beginnings.
Ang involvement ni Chris sa Public service ay nagsimula pa noong SK kagawad siya taong 1996 hanggang sa kasalukayan na kagawad sya sa Brgy 424. Maging sa kolehiyo ang naging lider din sya ng Assocaition of Civil Engineering Students (ACES-PUP).
 Siya ay isang ordinaryong tao na nag-pursige hanggang  umabot  sa  tugatog  ng tagumpay sa larangan ng business.   "Small but Terrible" din dahil ngayon, siya ang  may-ari ng Georight Matics Incorporated ,  isang multi-million company na nag su-supply ng mga modernong surveying equipment sa Pilipinas na galing sa Italia. Bukod sa rito, sa edad na 44 lamang  ay may  dalawa pang kompanya na pag-aari din nya.
Ngayong successful na siya,  "payback time" na  raw ani  Chris Gabriel para tulungan ang  kanyang komunidad.  Dahil sa pagsusumikap at angking galing sa  leadership,  sa pamamahala ng kanyang mga kompanya, ang lahat ng galing niyang ito  ay ibubuhos niya naman para maging maayos ang pamumuhay sa District 4 at maging huwaran ito ng lahat ng distrito.
  Kung ang mga "trapo" o traditional politicians na laging namamayagpag tuwing halalan  ngunit wala namang pagbabago-  walang asenso , wala lang.   Malayo ito sa mga pangarap ni Chris na napaka-innovative.   Isa siyang  "Game Changer" at ika niya, babaguhin nya ang maling kultura ng Public Service.   Sa sarili nyang bulsa  ay pinaayos niya ang modernong Day-Care Center sa  Sampaloc.  Nang umabot sa kanyang kaalaman na sobrang tagal at  ilang taon na nabalot ng dilim ang Maisan  ay agad na ginawan niya ito ng paraan. Napailawan niya ang lugar ng Maisan noong nakaraang Pasko na labis na ikinatuwa ng mga naninirahang mga maralita doon.
"Napaiyak ako ng makita ko kung gaano nila na-appreciate ang konting tulong na ginawa ko para sa kanila. Lalo na ung mga bata na sobrang saya. Naipagkaloob na sa  akin ang lahat ng kailangan ko sa buhay at doon ko naisip na mas kailangan ng aking komunidad  ang tulong ko. Iyon ang  inspirasyon ng #KagCong2too - isang giant leap from Kagawad  to Congressman" and seryosong pagkakasabi ni Chris.  
 "Tulong, Malasakit at Oportunidad para sa lahat tungo   sa maayos na pamumuhay . Naniniwala ako na sadyang napakahusay ng mga Pilipino sa anumang larangan" sabi niya. "Nakita ko ito sa iba't ibang bansa na narating ko. Lalo na ng ako ay OFW pa lamang noon sa Qatar," sabi niya sabay hatag sa akin ng kanyang  4point Agenda:
1. Kalusugan-  Ang Modernization ng Sampaloc Hospital  at kaakibat nito ay magkaroon ng isang        ambulansya sa bawat zona.
2. Serbisyo Publiko -  Mga mini-fire trucks bawat zona. Pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan o livelihood projects.  Sports Development para sa mga Kabataan at gayundin ang pagkakaroon ng Crisis Center Facility para sa mga Senior Citizens.
3. Edukasyon- Ang pagtuon ng pansin sa pagtatayo ng PUP Sampaloc branch upang mabigyan ng libre at dekalidad na edukasyon pang kolehiyo ang mga taga District 4. Day Care Center teachers' salary and allowance para maging mas maayos ang buhay ang mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang ng mga bata
4. Hanapbuhay - Pagtatayo ng TESDA Center sa Sampaloc  para sa mas maayos na kaalaman sa kakayanan  o  skills training sa paghahanapbuhay. Ang pagtatatag ng Sampaloc Employment Center  upang pangasiwaan ang lahat ng mga Job Opportunities  at vacancies upang lumawak ang mga oportunidad ng mga skilled workers ng distrito. Trabaho pa mismo ang naghihintay sa mga gustong maghanapbuhay ng marangal.
 "Eto ang formula ng tunay na Public Service," sabi niya "Good Leedership + Good Governance = Inclusive Growth."
Walang butas ang 4 Point Agenda ni Chris Gabriel. Nasapul niya lahat ang mga dapat  sanang binigyan ng pansin ng mga kasalukuyang nakaluklok sa poder ng serbisyo.  Maayos sana ang pamumuhay, maunlad sana  at nagkakaisa sana ang komunidad  kung naging maayos ang pamumuno.
 
"Marunong akong lumingon at sa aking paglingon makakaasa ang lahat!" sabi niya habang kinakamayan ko siya sa pagtatapos ng aking panayam.
Sa aking pananaw at marahil sa pananaw ng marami, hindi biro para sa isang Kagawad na tumakbo sa Kongreso kung wala siyang sapat na kapasidad, determinasyon at buong pusong suporta ng taong bayan.   Makatotohanan ang mga inaasam na pagbabago ni Chris Gabriel  at lahat ng mga ito ay matutupad kung  bibitbitin  niya  ito sa Kongreso.
 Umaarangkada na ang kanyang Krusada at marami na ang  mga sumusuporta at nakakapuna sa isang simpleng tao  na walang hangad kundi ang tumulong at mapasaya ang kanyang kapwa.
Dahil sa Social Media na rin marahil ay namulat na ang mga tao sa tamang  batayan sa pagpili ng mga tunay na maglilingkod para sa kapakanan ng mga nakararami. Sana ay dumami pa ang mga katulad ni KagCong Chris .  Totoo.


"Bumbero ng Masa"
     ni Greg Lopez


Kung may naganap na sunog, kalamidad o sakuna, sadyang napakadali lang iparamdam ang iyong pagdadalamhati at pakikiramay  sa mga biktima thru social media. Papindot-pindot lang sa cp ay masabi  mo agad ang iyong simpatya. Easy lang sabihin pero ang  mag-volunteer o kusang loob na magbigay  ng oras at lakas para makatulong sa kapwa para sa kanilang kapakanan at kaligtasan - doon madarama ang tunay na pagmamahal at malasakit.

Yan ang pinamalas ni Konsehal Mon Morales na  mahigit na sa dalawang dekada ang pamumuno bilang Fire Chief ng Arranque Volunteer Fire Brigade ,Inc. o AVFBI.  Sa kanya nababagay ang kasabihang "Action speaks louder than words." o "strike while the iron is hot" sa kanyang mabilis na pagkilos at sa literal na pagtulong sa ngalan ng kawangawa o bolunterismo. Serbisyo na walang inaasam na kapalit. Taos puso.

 Ang pagtulong sa kapwa ay nananalatay sa kanyang ugat. Ang kanyang ama na si Elpidio Morales ang isa sa mga haligi  ng AVFBI mula pa noong  dekada sisenta. Ito ay natatag  makalipas lamang ang walong buwan kung saan naganap ang isang napakalaking sunog sa Manila Chinatown.

Febrero 21, 1964 ng matupok ang halos walong bloke ng  kabahayan at establisimento. Napakalaki ng pinsala ng mala-impyernong trahedya na gumimbal sa Maynila. Daang milyong halaga ng ari-arian ang naabo at libo-libong biktima  ang  nawalan ng tirahan. Sa kasaysayan,tinala ito bilang pinakamalaking sunog na naganap mula ng sumiklab ang World War II.

Walong buwan matapos ang  kalunos-lunos na trahedya naitatag dito sa Arrangue ang kaunaunahang samahan ng bolunterismo,  ang Arranque Center Barangay  ng Barangay 179 Zone 29. At makaraan ang ilang araw pa , sa tulong ng mga Filipino at Chinese businessman na pinangungunahan ni Leon Guevarra nabuo ang AVFBI at si Elpidio Morales o Mang Pidyong ang kaunaunahang namuno sa mga Fire Volunteers. Ang kanilang layunin ay upang di na maulit muli ang malungkot na karanasan sa kakulangan ng paghahanda at equipment sa pag-apula ng apoy at pagresponde  sa mga kalamidad.

Mula noon ay nagsunuran ng magtatag  ang iba pang lugar ng  mga fire volunteers tulad ng North Binondo ni Brgy. Ghairman Johnny Que , Binondo Fire ni Jerry Chua ,  Chinatown Fire Brigade, New Market  at South San Nicolas Fire Fighter at iba pang mga Fire Brigade Associations na ang iba ay pinamumunuan ni Rolly So.
Lumaganap na ang kawang-gawa o bolunterismo sa buong Pilipinas.

Trailblazer sa bolunterismo ang kanyang ama. Di maikakaila na ang anak na si Kon. Ramon Morales ay sumunod sa yapak ng walang pagod na pagtulong sa kapwa. Sa mahigit dalampung taon hanggang sa kasalukuyan na paninilbihan bilang Fire Chief,  napakarami ng sunog ang kanilang na respondehan at naapula.  Sobrang dami na ng buhay na nai-ligtas at mga pamilya na  natulungan.

Sari-saring pagkilala,  papuri at parangal  ang kanyang natanggap mula sa iba't ibang organisasyon , mga LGU at NGO at sa mga naging pinuno ng Lungsod ng Maynila.  Nagsimula siya bilang kagawad ng siya ay sumabak sa pulitika at ng  siya ay nahalal  bilang Barangay Chairman ay namuno ng matagal na panahon. Naging presidente rin sya ng Liga ng Barangay Nagsilbi ng isang terminong appointed at dalawang  termino bilang elected na konsehal sa Ikatlong Distrito ng Maynila mula 2006 hanggang 2016.

"Tunay na nagtratrabaho at gumagawa. Bunot sa barangayan, itinadhana ,tinaga sa panahon at pinanday sa hirap, yan si Mon Morales" Ito ang naging pagpapakilala sa kanya ng isang mataas na opisyal sa isang pagtitipon. Siya ang patunay na mas matunog ang gawa kaysa salita  dahil walang kibo niyang ginagawa ang kanyang adhikain na tumulong sa kapwa.

Nagsimula siya sa isang trak ng bumbero at sa tulong ng maraming kaibigan ay nadagdagan na ito ng nadagdagan. Meron na rin siyang mga ambulansya na rumiresponde sa sunog at madalas sumasaklolo rin sa dumaraming trapik aksidents na madalas nainbolb  ang mga motorsiklo.

Boluntaryong buwis buhay na pag-saklolo sa mga nasusunugan. Sa haba ng panahon ng pag arangkada ng mga trak ng bumbero at  sa pakikipag-patintero sa nagngangalit na  apoy ,  limang tao na ang nalagas sa kanyang hanay. Hindi matatawaran ang pagmamahal at sakripisyo na inalay nila sa kanilang kapwa at ang kanilang dedikasyon sa kanilang boluntaryong pagtulong sa mga biktima ng sunog at ibang trahedya.   

 Pinag-iibayo ni Mon  ang trayning ng kanyang mga volunteers upang sila'y mas maging physically fit at handa sa susuungin nilang pagsagip sa buhay at mga ari-arian. Ang pagsasanay sa pag-gamit ng mga modernong firefighting equipment at kaalaman sa mga  protokol sa pagresponde at pag-apula ng apoy  ay regular na tinuturo niya  sa mga volunteers sa Fire Station niya  sa Soler.

"Hindi sapat magpakita ng  simpatya sa konting patungo-tungo lang ng ulo at sa konting salita  - kailangan kumilos at tumulong at gumawa," ang sabi ni Mon habang paakyat na siya upang manehuhin ang Tanker sa pag responde niya at ang kanyang mga volunteers  sa isang sunog na nag-alarma sa Malate.

Nag-ugat noong dekada sisenta  at nagpatuloy sa bagong milenyo, sa panahon ng teknolohiya  napakalaki na ng mga pagbabago ngunit ang dugong nananalantay kay Mon Morales talagang tinaga sa panahon. Mas kilala sya ngayon sa bansag na  "Bumbero ng Masa " dahil na rin sa dami ng sunog na nirerespondihan niya sa buong Kamaynilaan.  Isang pagkilala sa taong darang sa init at  walang humpay sa pag-aapula sa lumilingas  na banta  ng apoy sa ating kapaligiran.  

20190123

Babaha ng Pera


As Published on One Manila News magazine
Streetsmart ni Greg Lopez     January 2019

Babaha ng Pera

Malayo pang ang eleksyon ay sandamakmak ang post sa Social Media ng mga kandidato na nag-iikot. Pagalingan, iringan at patalbugan. Ang mga suporters kanya-kanyang selfie kasama ang kani-kanilang manok.
Gaano ba kadugo lumahok sa pulitika? 
Kung nais lamang na  kumandidato at makatulong sa bayan, bakit kinakailangan pang gumastos ng napakalaking halaga? Kung campaign materials lang ang pag-uusapan tulad ng mga polyeto at tarpolin, di naman gaanong kalaking halaga ang gugugulin lalo na kung  local na posisyon lamang ang tatakbuhin.
Hindi bababa sa limang milyong piso ang kinakailangan para sa maayos na kampanya ng isang Konsehal dito sa Maynila. Sa District 2 may gumastos  pa nga ng pitong milyon  at  sa kasamang palad ay natalo pa. At bakit nga ba grabe ang gastusan?
Ang bagito sa larangan ng pulitika dapat alam na hindi aandar ang sasakyan ng walang gasolina. Pag-nagpatawag  siya  ng miting sa barangay iniexpect  nila na mamamantikaan ang mga nguso nila. Hindi natin nilalahat pero sa kalakaran ngayon ang tawag nila "matik yan" o automatic. Di na kailangan tanungin o ipaliwanag - understood  na.  Kung magbigay siya  ng 200 bawat tao na tumulong mag organisa ng patawag  sa barangay eh magtatampo pa ang mga ito. Mas gusto nilang makita yung mukha ng mga Aquino   sa pera at ayaw nila ng manipis na tshirt dahil di daw mapakinabangan . Bukod pa yan sa meryenda  o pagpapakain  ng lugaw sa mga bata at mga konstituwents. . Dagsa din ang  hiling na uniporme ng basketball at bola dahil pag summer uso ang pa liga.  Bawat lamay ng patay isang libo ang pinaka mahinang pakikiramay   at siguradong makikiramay din naman ang kalaban . Humanda  din  sa pagpapahiram ng silya at tolda at sa pang arkila  ng dyip para sa libreng sakay sa libing.
 Hindi biro ang bumuo ng isang team para sa kampanya.  May campaign manager,  team leader  at coordinators,  na bukod sa may sweldo na ay pakakainin  pa. Sa headquarters kung saan tatambay din ang mga alipores laging madaming tao at  magulo. Hindi pwedeng   gawing  HQ ang bahay   ,  malamang na gagastos din sa bayad sa  upa. Maraming hihingi ng tulong sa ibat ibang klase ng dahilan. Dagsa ang dumarating na may  dalang reseta -konting tulong lang pambili ng gamot.  Ang mga magkakabit ng tarpolin sa poste kada isang daan piraso, isang libo ang gusto bukod sa pakain . Mga sidecar na kakabitan ng poster sa likod may bayad din.  Sasakyan, gasolina, pang-galaw  at pagkain ng tao pa lamang sa araw araw ay sadyang napakalaking pera na.  Sadyang nakalilito rin  ang estado ng kampanya  dahil ayon sa ng mga tauhan  - "malakas" para di ka ma-discourage.  Laging mataas ang rating at maganda ang resulta ng mga  evaluation ng botante. Sa huli, dahil sa dami ng kaplastikan,  iisipin parin ng kandidato na ang panalo pala ay tsamba-tsamba lang talaga.
May kasabihan, pag wala kang pera wag ka nang sumali sa politika. Sa totoo lang, maraming nais na maglingkod sa kapwa ng bokal sa kanilang kalooban ngunit 'kapos kapalaran'. Kulang sa pondo  kaya umaayaw na lamang dahil sa ganang kanila "pera-pera" na ang labanan.
Bakit nagkaganito? Ano naman ba ang nasa utak ng botante?
Iba-iba ang nasa isip nila depende sa estado sa buhay. Ayon sa statistika ang  socio-economic class ay hati sa limang  antas :  ABCDE  pero para mas simple, hinati na lamang ito sa  tatlo: 1. mayaman o high income , 2. middle-class o middle income  at  3. mahirap o low income.  Ito ang datos sa pangkaraniwang playing field pero sa kampanyang pang lokal ang statistika ay base din sa lokasyon dahil may mga high-end na lugar.
1. Mayaman  ay wala  pa sa  2% ng populasyon.  Not for sale ang boto ng antas na ito "for obvious reasons". Malamang sa malamang sila pa ang nag-aambag sa kampanya ng kandidato at kung hindi man pipiliin nila ang kandidatong madaling lapitan. Ang concern nila ay pangakong di magtataas ng amilyar o buwis  at may malasakit sa namumuhunan o investor.
2. Middle class  tinatayang nasa 30%. Karaniwang may sariling bahay at mga edukado , may maliit na negosyo o mga di-opisina. Napakaliit ng tyansa na ipagbili nila ang kanilang boto . Dahil sa hindi naman sila hirap sa buhay, ang kinabukasan ng bansa ay mahalaga sa kanila. Karamihan patriotiko at galit sa nangungurakot .  Maari silang magbase sa popularidad pero hindi sa pera.
3. Mahirap at  maralita na may  majority na 68%. Sinusuyo at  sinusuyod, niroronda at kinakamayan , tinutumpok at papangakuan at pinakikisamahan.  Ang driving force ng kampanya ay sa kanila naka-sentro . Hindi lahat pero lamang ang  popularidad at pera.   Pagnakuha ng kandidato ang kanilang sentimyento siguradong panalo.  Sa mga batikan sa maruming  pamumulitika, kinakamada na ang voters list at  ba-badyetan  ng tig-lilimang daan. Malaki ang tyansa na mabibili ang boto.
Di na marahil maiisip ang kinabukasan ng bayan kung kumakalam ang tiyan. Ang kandidatong nagbigay  ay siyang iboboto  dahil ang katwiran ay ito: Ok na bayaran at makinabang ngayon dahil wala naman silang mapapala pagnanalo na ang kandidato. Hu u? na sila at sa muling pagkikita after  3 years.
Lumalala na ang pananaw ng karaniwang tao sa pulitiko. Ang paniwala ng karamihan ay sa laki ng gastos sa kampanya , mababawi naman daw pag naka-upo na sa pwesto. Matik na rin sa isip ng iba na magpapayaman o mangungurakot  ang mga tumatakbo at ang hinahabol ay pera at kapangyarihan.
Kung susumahin, ang mga pangako ay salita lamang na walang halaga sa botante.  Madaling mangako at marami nga sa mga pangako ay napapako.  Madalas nanalo ang mga sikat, matunog ang pangalan at galante sa  gastusan.  Kung  ang statistika  ay gagawing gabay sa kampanya at  pagpanalo ng kandidato ay talagang babaha ng pera sa tag-araw.