Niyakag ako isang umaga ng Videoke King sa aming lugar- si Pareng Toto. Nagpunta kami sa Arlegui- doon sa lugar ng mga Muslim sa Quiapo para bumili ng mga CD'ng ginagamit niya sa kanyang libangan na pag-kanta.Napakarami naman pala ng mga nagbebenta ng VCD dito sa kalye ng Arlegui, Elizondo at Hidalgo. Magkabilang kalsada ang mga pwesto at sadyang napakamura talaga ng piniratang mga CD at DVD rito.
Sa aking pagka-maulirat at pa"friendship-friendship" na pakikipag usap sa mga nag-titinda, pinaka malaki at malakas daw dito ang pwesto ng kay Yasmin. Sa kanya pala kumukuha ang ibang mga pwesto rito.
Talaga namang bagsak presyo rito at napakaraming pagpipilian. May mga pwestong puro DVD na 8-in-1 at may 12-in-1 pa sa halagang P45.00. Aba! Umandar nanaman ang ka-kuriputan ko! Ayoko ng manuod ng sine! Mantakin mo 12 na movies sa halagang P45.00! Pwede! Yung matipid ko sa sine, ibili ko na lang ng San Mig lights para "solve" na ko!
Mga imported ang mga DVD na ito na pawang gawa sa Tsina.
Karaniwan sa mga pelikula ay mga gawa ng 'kano' tulad ng mga pelikula nina Bruce Willis, Arnold Swazenegger o mga Chinese martial arts movies nina Jet Lee at Jacky Chan.
At isang katutak din ang mga malalaswang XXX porno movies na talaga namang nagkalat dito! Itong mga ito, mga CD eh mukhang local ang gawa. Mantakin mo ang mga titolo puro mga "scandal". Akalain mo pati pala sa Jolibee ay may "sex scandal"! Grabe! Sa kawalan ng magawa, pati mga sikat na artista ay may mga sex video!
Napakasamang pangitain na ang mga kalaswaang ito ay napapasa kamay ng ating mga kabataan na sa ngayon ay bugbug na rin sa kalaswaan sa internet.
Tama marahil sa sabihin na ang paglaganap ng mga kabastusan dito na hindi maawat awat, kahit na sadyang illegal, ay may basbas ng kung sino man na nasa pwesto na malaki ang kinikita rito!
Masaya namang umuwi si Pareng Toto na pakanta-kanta dahil sa halagang P100 lamang ay apat na Videoke CD ang tangan niya. Hindi nya kayang bumili ng orihinal, ok na rin kung tutuusin- masakit nga lamang sa taenga ang boses niya!
Anak ng tupa naman! Ang lapit ng simbahan ng Quiapo dyan!
Tuwing biernes nga ay magsimba kayo at mag bawas kayo ng mga kasalanan nyo!